|
||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Pag-aaral ng Falun Dafa Walang ano mang nakatakdang pamamaraan sa pag-aaral ng Falun Gong. Bawat isa ay maaaring subukan ang pagsasanay mula sa alin man sa maraming daan. Basta’t ang puso ng isa ay sinsero, alin mang daan roon ay magiging mabunga. Ang Falun Dafa ay tiyak na kakaiba mula sa ano mang bagay na iyong napag-aralan o’ sinasanay dati, bilang sa nilalaman nito ay labis na kakaiba at malalim. Kaya, ang iyong pagiging pasensyoso at pagkakaroon ng bukas-na-pag-iisip ay magtitiyak na ang proseso ng pag-aaral sabay na kikilos na mabilis at mabuti. Maraming mga tao ay natuklasan na ang sama-sama na isang grupo sa pagsasanay ay isang kasiya-siyang paraan upang magsimula. Ang Falun Dafa ay mayroong limang mararahan, madaling matutunan na ehersisyo, na kung saan ang isa ay meditasyon. Ang Falun Dafa ay napapalooban rin ng pag-aaral ng mga prinsipyo sa paglilinang-sa-sarili, at iyon ay, kung papaano isasabuhay ang Katotohana, Kabutihang-loob, at Pagpaparaya. Ito ay makakmit sa pamamagitan ng pagbabasa ng pangunahing aklat na isinulat ng tagapagtatag ng Falun Dafa, G. Li Hongzhi, o’ sa pamamagitan ng mga Videotapeat pakikinig ng mga Audiotapes ng kaniyang mga pagtuturo. Isang libro, ilang mga ehersisyo, at kahanga-hangang malalim na mga prinsipyo – iyon ang Falun Dafa sa maikling salita. At ang natira, ang pagsasabuhay ng mga ito, ang nakasalalay sa inyong mga katawan. gaya ng sinabi, maari po kayong magsimulang mag-aral ng Falun Dafa kahit sa alin man sa sumusunod na pamamraan: 1. Matuto ng Ehersisyo mula sa inyong lokal na lugar ng Pagsasanay ng Falun Dafa Mayroong daan-daang “lugar ng Pagsasanay” sa buong mundo na kung saan ang mga tao na nagsisipagsanay ng Falun Dafa ay nagkikita-kita at nagsasama-sama upang magsagawa ng ehersisyo at/o’ mag-aral at magtalakay ng mga aral ng Falun Dafa. Ang “lugar” ay maaring sa parke, sa silid-aklatan, sa hospital, o’ maging sa inyong lokal na YMCA. Ang bawat isa ay malugod na inaanyayahan sa mga lugar ng pagsasanay. Saan mang lugar ng pagsasanay ay makakita ka ng mga nagsisipagsanay na nagagalak magturo sa inyo ng mga ehersisyo doon mismo o’saan man na inyong mapag-usapan. Lahat ng pagtuturo ay walang bayad, syempre. Upang Makita ang lugar ng pagsasanay na malapit sa inyo, paki-click po rito. 2. Matuto ng Ehersisyo mula sa Ehersisyong-Video ng Falun Dafa Sino man ay maaaring matuto na magsagawa ng mga ehersisyo ng Falun Dafa sa pamamgitan ng panonood at pagsasanay kasabay ng ehersisyong-video ng Falun Dafa. Ang video ay kinatatampukan ni G. Li Hongzhi na nag-lalarawan ng mga ehersisyo, at nabibilangan ng isang patgtuturo sa kanilang anyo, mahahalagang bahagi, at epekto nito. Ang video ay maaring i-download ng libre mula sa internet, makukuha mula sa iba’t-ibang bookstores, o’ mahihiram sa isang tao mula sa inyong lokal na lugar ng pagsasanay. Upang mapanood ang video clips mula sa tape, paki-click po rito. 3. Matuto ng Prinsipyo ng Falun Dafa mula sa mga Aklat Maaari mong matutunan ang mga prinsipyo ng Falun Dafa sa pamamgitan ng pagbabasa ng dalawang pangunahing libro na isinulat ni G. Li Hongzhi: Falun Gong (Law Wheel Qigong) at Zhuan Falun (Turning the Law Wheel). Ang Falun Gong ay isang sistematikong, nagpa-pakilalang aklat na tumatalakay sa qigong, pagpapakilala ng mga prinsipyo, at nagbibigay ng mga larawan at paliwanag tungkol sa ehersisyo. Aming inirereekomenda na ang mga baguhan at iyong mga wal pang ganap na kaalaman sa qigong na magsimula sa pamamgitan ng aklat na ito. Ang Zhuan Falun ay ang pinaka-komprehensibo at pinaka-mahalagang gawa sa pagsasanay ng Falun Dafa, subalit ito ay napakabuting basahin kung mayroong kaunting kaalaman. Isinaayos sa anyo ng sioyam na aralin, ang librong ito ang numero-unong pinaka-mabenta sa Tsina noong 1996. ang ganap na kaunawaan sa Zhuan Falun ay kinakailangan para sa tunay, maunlad na pagsasanay. Tulad sa ehersisyong-video, ang parehong aklat ay maaring i-download (i-click sa itaas) ng walang bayad, mabibile mula sa iba’t-ibang bookstores, o’ mahihihram sa isang tao mula sa inyong lokal na lugar ng pagsasanay. 4. Dumalo sa Siyam-na-sesyong Video Seminar Ang siyam-na-sesyong na mga video seminar ay idinaraos ng madalas ng iba’t-ibang grupo ng pagsasanay sa buong mundo sa iba’t-ibang lugar. Kanilang ibinabahagi ang pinaka-komprehensibong pamamraan ng pagsisimula ng pagsasanay. Sa daloy ng seminar, ang mga nagsisidalo ay: mapapnood ang siyam na araling itinuro ni G. Li, matutunan lahat ng mga ehersisyo, at magkakaroon ng pagkakataong makipagtalakayan ukol sa pagsasanay kasama ng matagal nang mga estudyante ng Falun Dafa. Ang mga seminar ay syempre, lubos na walang bayad. Ang bawat isa ay malugod na inaayayahan sa pagdalo. Upang makakita ng grupong nagsisipagsanay malapit sa inyong lugar para sa inpormasyon tungkol sa nalalapait na seminar. Paki-click po rito. 5. Walang-bayad na Pagtuturo sa Inyong mga Lugar Upang matulungan iyong mga tao na walang grupo ng nagsisipagsanay malapit sa kanilang tinirahan, maraming nagsisipagsanay ng Falun Dafa ay nagagalak na lumapit sa pamamagitan ng pagtatakda ng oras/lugar upang ituro ang mga ehersisyo at iapkilala ang pagsasanay doon sa mga tao na naghahayag ng kanilang pagnanais. Marami nang beses na ang mga tao ay tinitipon ang ilang kaibigan, naglalaan ng isang silid sa kanilang lokal na silid-aklatan, at iniimbita ang mga tao na nagsisipagsanay ng Falun Dafa upang pumunta at turuan sila. Halos lahat ng mga nagsisipagsanay ay ikinagagalak ang pumunta gaano man karami ang bilang ng mga tao, at saan mang lugar. Ang isang nagsasanay sa California, U.S.A. ay naglakbay tungo sa Guatamela para sa ganito ring layunin, tulad rin ng nagsasanay na taga Sweden tungo sa Timog Aprika. Ito, rin, ay ganap na walang-bayad. Upang makakita ng mga tao na nagsasanay ng Falun Dafa malapit sa inyo na maaring pumunta upang kayo ay turuan, paki-click po rito. Masayang Pagsasanay sa lahat! * lahat ng Gawain sa Falun Dafa ay walang bayad at pinapatakbo ng mga boluntaryo *
|
||||||||||||||||||||||||||||||||||||
[ Home ] Ano ang Falun Dafa? l Ehersisyo ng Falun Dafa l Aklat ng Falun Dafa l Paano Magsimula? l Lugar ng Pagsasanay | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
Lahat po ng Gawain sa Falun Dafa ay Bukas sa Publiko at walang bayad Huwag Mag-alinlangan, Makipag-ugnayan (Paki-click rito) JB54321@FastMail.Fm |