Unang ehersisyo
Fo Zhan Qian Shou Fa
Ang pinaka-sentro ng ehersisyong ito ay ang pag-iinat ng katawan. Ang pag-iinat na ito ay binubuksan ang mga bahagi na kung saan ang mga enerhiya na barado, pinapakilos ang enerhiya sa katawan at sa loob ng katawan nang sa ganoon ito ay kikilos ng masigla, at kusang kukuha ng malking bilang ng enerhiya mula sa kalawakan. Nagagawa nitong lahat ng meridiyans sa katawan ng isang nagsasanay na mabuksan sa simula pa lamang.
|
Mayroong Limang-pangkat ng mararahan at madaling matutunan na mga ehersisyo sa Falun Dafa para kaularan ng inyong mga katawan. Maari ninyo silang sanayin kahit saan ano mang oras nang walang ipinagbabawal. Sila lahat ay higit na angkop para sa mga tao ng makabagong lipunan.
Ika-limang Ehersisyo
Shen Tong Jisa Chi Fa
Isang mapayapang ehersisyo sa paglilinang. Ang ehersisyong ito ay higit sa pang-gitnang antas at noong simula ay isang sekretong ehersisyo. Sa pagsasagawa ng ehersisyong ito ay nanganga-ilangan ng pag-upo ng magka-ekis na mga paa. Sa panahon ng ehersisyo, ang daloy ng enerhiya ay malakas at ang kapal pang enerhiya sa buong katawan ay medyo malaki. Mas matagal na naka-ekis ang mga paa, mas mabuti. Iyon ay depende sa kakayahan sa pagtitiis ng isang tao.
Ikatlong ehersisyo
Guan Tong Liang Ji Fa
Pinag-uugnay ang enerhiya ng kalikasan at inihahalo ito sa enerhiya sa loob ng katawan ng isang tao. Ang malaking bilang ng enerhiya ay inilalabas at kinukuha sa panahon ng ehersisyong ito, at nagagawang linisin ang katawan ng nagsisipagsanay sa loob ng napaka-ikling panahon lamang.
|
Ikalawang ehersisyo
Falun Zhuang Fa
Isang mapayapang paglilinang na nakatayong meditsasyon na napapalooban ng apat na posisyong may hawak na gulong. Ang madalas na pagsasagawa ng ehersisyong ito ang magpapadaloy sa buong pagbubukas ng katawan. Ito ay isang komprehensibong pamamraan ng kasanayang paglilinang na nagpapataas ng karunungan, nagpapa-unlad ng kalakasan ng gong, nagpapataas ng antas ng isang tao, at nagpapatibay ng banal na kapangyarihan.
Ika-apat na Ehersisyo
Falun Zhou Tian Fa
Nagagawang ang enerhiya ng katawang tao upang dumaloy sa malaking bahagi – at iyon, ay hindi lamang sa isa o’ iilang meridiyans, subalit simula sa buong bahagi ng yin hanggang sa bahagi ng yang n gating katawan, paikot-ikot ng tuloy-tuloy.
|