|
||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Falun Dafa: isang Maikling Pagpapakilala Falun Gong (na kilala ring Falun Dafa) ay isang sinaunang anyo ng qigong, ang pagsasanay ng paglilinis ng katawan at isip sa pamamagitan ng espesyal na ehersisyo at meditasyon. Tulad ng Tai Chi, ang qigong ay isang mahalagang bahagi sa buhay ng maraming tao sa Asya; halos bawat Parke ng mga Tsino pagsapit ng bukang-liwayway ay umaapaw sa mga tao na nagsisipagsanay ng sining na ito. Sa loob ng walong taon simula ng ito ay ipakilala sa publiko, ang Falun Dafa ay lumawak bilang pinakatanyag na anyo ng qigong sa buong kasaysayan ng mga Tsino. Ang pangunahing dahilan nito ay ang pagkakaiba ng Falun Dafa mula sa ibang kasanayan ng qigong ay ang pagpapahalaga hindi lamang sa paglilinang ng pisikal-na-katawan, subalit pati na rin ang paglilinang ng isang kabutihang asal sa pangaraw-araw na buhay ayon sa mataas na prinsipyo na itinuro ni G. Li Hongzhi, ang nagtatag ng Falun Dafa. Ang pagiging epektibo ng Falun Dafa sa pagpapabuti ng kalusugan at ang malalim na prinsipyo nito ay mabilis na nagdala sa pagsasanay sa kaniyang hindi inaasahan na katanyagan saan man dako sa buong mundo. Simula ng ito ay ipakilala sa buong publiko noong 1992 ni G. Li Hongzhi, ang Falun Dafa ay nakaakit ng sampu-sampung milyong katao sa higit na 70 mga bansa. Halos lahat ng pangunahing siyudad at Unibersidad sa Estados Unidsos, Canada, Australya, at Europa ay mayroong Ingles-magsalitang mga samahan ng pagsasanay sa Falun Dafa. Ang mga tao na nagsisipagsanay ng Falun Dafa ay nagmula sa bawat katayuaan sa buhay an iyong maisip, bilang ang Falun Dafa ay higit pa sa Kultural, Panlipunan, Ekonomikal, at Lahing mga hangganan. Ang pagsasanay ay higit na lumaganap sa pamagitan lamang ng pagsasalin-salin sa pamagitan ng bibig lamang, sa kadahilanang ang mga nagsisipagsanay nito kadalasan ay napatunayan na ang kabutihang dulot nito ay napakahalaga upang pag-ingatan habang-buhay sa kanilang mga sarili. 1. Ang Libro at ang Ehersisyo Ang pagsasanay ng Falun Dafa ay simple lamang, subalit malalim at epektibo. Ito ay kinabibilangan ng pangunahing dalawang bahagi: pagpapunlad ng sarili sa pamagitan ng pag-aaral ng mga Aral ni G. Li, at pagsasagawa ng limang mararahan na ehersisyo ng Falun Dafa. Ang mga ehersisyo, na kinabibilangan ng meditasyon, ay madali lamang matutunan, kasiya-siya, at gayun din nakak-relax at nakakpagpalakas ng katawan. Maraming mag-aaral ng Falun Dafa ang nasisyahang gawin ang mga ito sa labas ng Sama-sama bilang isang grupo. Ang mga aral na isinulat sa dalawang libro, Falun Gong (Law Wheel Qigong) at Zhuan Falun (Turning the Law Wheel), na kung saan ay maaring mabas sa higit sa isang dosenang mga wika, kabilang ang Ingles at Tagalog. 2. Ang Prinsipyo ng Pagsasanay Ang kabutihang dulot ng pagsasanay ng Falun Dafa ay napakarami at iba-iba, sumasakop simula sa pagpapbuti ng kalusugan at bagong kalakasan hanggang sa kalinawagan ng isip, pag-aalis ng pagod ng isip at katawan (stress), at kapayapaan ng Pag-iisip. Ganoon pa man ang Falun Dafa ay kakaiba sa lahat ng kasanayan ng qigong dahil doon ito ay higit pa sa mithiin ng pagkakaroon ng mabuting kalusugan at pangangatawan at hanggang sa mithiin nitong pagkakaroon ng busilak na karunungan at kalinawagan. Sa kaibuturan ng pagsasanay ay ang pinakamataas na prinsipyo ng sanlibutan: Katothanan, Kabutihang-loob at Pagpapraya. Sa pamagitan ng pagsasama ng pag-aaral ng mga libro at pagsasagawa ng mga ehersisyo, ang mga nagsisipagsanay ay nagsiskap maging mabuting tao sa pamamgitan ng pagsasabuhay ng mga prinsipyong ito sa lahat ng mga bagay na kanilang ginagawa. 3. Ito ba ay para sa Akin? Milyong-milyong katao na mula sa iba’t-ibang dako ng daigdig ang pumili ng pagsasanay ng Falun Dafa upang maging bahagi ng kanilang pang-araw-araw na buahy. Ipalagay na lang natin na, kanila itong napatunayan na mahalaga, sulit at kasiya-siyang pamumuhunan ng kanilang oras tungo sa kalusugan, kasiyahan, at makabuluhang pamumuhay. Lahat lamang ng kinakailangan ay ang bukas na pag-iisip at isang dedekadong puso. Ang lahat ay malugod na inaanyayahan, bilang ang Falun Dafa ay isang walang pang-politikang layunin, walang pormal na kaanyuan, at ganap na walang bayad, obligasyon at kasapian. Lahat ng aklat ay maaari pang makuha ng walang bayad sa internet. Amin kayong inaanyayahan upang bigyan ng pagkakataong masubukan ninyo itong kahanga-hangang pagsasanay at matuklasan ito sa inyong mga sarili. |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||
[ Home ] Ano ang Falun Dafa? l Ehersisyo ng Falun Dafa l Aklat ng Falun Dafa l Paano Magsimula? l Lugar ng Pagsasanay | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Lahat po ng Gawain sa Falun Dafa ay Bukas sa Publiko at walang bayad Huwag Mag-alinlangan, Makipag-ugnayan (Paki-click rito) JB54321@FastMail.Fm |