Kung Paanong Umiral ang Sangkatauhan Nais ko munang iparating ang aking mga pagbati sa lahat para sa pagdating ng Bagong Taon ng Tsina! Ang Bagong Taon ay karaniwang isang oras para sa pagbabahagi ng ilang magagandang komento tungkol sa okasyon. Ngunit nakikita ko ang napipintong panganib na papalapit sa sangkatauhan, at dahil dito, tinawag ako ng mga banal na nilalang na ipasa ang ilang bagay sa lahat ng tao sa mundong ito. Ang bawat na aking ibinubunyag ay isang mas mataas at mahigpit na binabantayang lihim, at ibinabahagi ko ang mga ito upang magbigay ng isang tunay na larawan ng mga pangyayari, at upang bigyan ang tao ng isa pang pagkakataon sa kaligtasan. Una ay ang tanong kung paano nabuo ang sangkatauhan. Mula sa bukang-liwayway ng paglikha hanggang sa mga huling araw nito, ang uniberso ay dumaan sa napakahabang paglipas ng panahon na binubuo ng apat na yugto: Pagkabuo, Pagkatatag, Pagkabulok at Pagkasira. Kapag naabot na ang huling punto ng yugto ng Pagkasira, ang kumpletong pagkawasak ng lahat sa mas malaking katawan ng kosmos – kabilang dito ang uniberso kung saan tayo umiiral — ay nagaganap kaagad, at lahat ng buhay ay maglalaho! Kapag ang isang tao ay namatay ang kanyang pisikal na katawan lamang ang nabubulok at nasisira, habang ang kanyang tunay na kaluluwa (kung sino siya talaga, at na hindi namamatay sa pagpanaw ng kanyang pisikal na katawan) ay magpapatuloy sa susunod na buhay, at muling isisilang. Ang uniberso ay dumadaan sa pagkabuo, pagkatatag, pagkabulok, at pagkasira, gayundin ang tao ay dumaan sa pagsilang, pagtanda, pagkasakit, at kamatayan. Ito ang batas ng uniberso, kahit ang mas matataas na nilalang ay napapailalim dito, ngunit ang tagal ng panahon ay mas mahaba para sa kanila, ayon sa kung gaano kadakila sila. Ang buhay at kamatayan ay hindi masakit para sa kanila, at nananatili silang may kamalayan sa mga prosesong ito – sa kanila ay parang nagpalit ng damit. Ang ibig sabihin nito ay ang mga buhay ay hindi talagang namamatay sa mga normal na kondisyon. Ngunit kapag ang uniberso at ang kosmos ay nawawasak sa huling yugto ng proseso ng Pagkabuo–Pagkatatag–Pagkabulok–Pagkasira, ang mga buhay ay hindi na muling isisilang, at ang buhay o materya ay hindi na iiral, at lahat ay magiging alabok at mawawala na. Sa kasalukuyan, nararanasan ang mundo ng tao ang huling panahon sa yugto ng Pagkasira sa Pagkabuo–Pagkatatag–Pagkabulok–Pagkasira. Bilang nakatadhana, ang lahat ay lumala sa mga huling oras na ito, at ang pagkasira ay nalalapit na. At ito ang dahilan kung bakit ang mundo ay napakagulo. Ang mabubuting pag-iisip ay bihira, naging baluktot ang isipan ng mga tao, laganap ang kahalayan at pag-abuso ng droga, at ang tao ay sumusunod sa ateismo. Ang mga ito ay hindi maiiwasan sa huling yugto ng kosmos, at dumating na tayo sa puntong ito! Pinahahalagahan ng Lumikha ang lahat ng makalangit na nilalang na umiiral, gayundin ang lahat ng buhay na mabuti at mabait, at lahat ng maluwalhating nilikha sa kosmos. Kaya't sa simula ng yugto ng Pagkabulok, pinangunahan Niya ang isang bilang ng mga banal na nilalang sa pinakalabas na antas ng kosmikong katawan (na kilala sa pangkalahatan bilang ang "na nasa labas ng Banal na Kaharian"), isang lugar kung saan walang mga banal na nilalang, at nilikha Niya ang Lupa. Ngunit ang Lupa ay walang kapasidad na umiral nang nakapag-iisa; kailangan nito ng kaukulang kosmikong istruktura kung saan maaari itong bumuo ng isang sistema ng sirkulasyon na may buhay at materya. Dahil dito, ang Lumikha ay gumawa ng isang mas malaking kalawakan sa labas ng Lupa, na tinutukoy ng mas matataas na nilalang bilang ang "Tatlong Kaharian." Bago dumating ang huling oras ng kaligtasan, walang mas mataas na nilalang, gaano man kadakila, ang papayagang pumasok o lumabas sa kalawakan na ito nang walang pahintulot ng Lumikha. Ang kalawakan ng Tatlong Kaharian ay binubuo ng tatlong pangunahing kaharian: ang Kaharian ng Pagnanais (yu), na binubuo ng mga buhay sa mundong ito, kabilang nito ang sangkatauhan; isang pangalawang kaharian, ang Kaharian ng mga Pagkagusto (se), na nasa itaas nito; at ang ikatlong kaharian, sa itaas pa, na kilala bilang Kaharian ng Walang mga Pagkagusto (wu se). Ang bawat sunud-sunod na kaharian ay mas mataas at mas maluwalhati kaysa sa yoong nasa ibaba nito, kahit na walang maihahambing sa Banal na Kaharian o sa maraming mga makalangit na kaharian na mas mataas pa. Sa katunayan, ang "langit" na karaniwang tinutukoy ng mga tao ay nasa loob ng alinman sa Kaharian ng mga Pagkagusto o sa Kaharian ng Walang mga Pagkagusto, sa loob ng Tatlong Kaharian. Ang bawat isa sa Tatlong Kaharian ay may sampung antas sa loob nito, sa kabuuan na tatlumpu't tatlong antas, kung isasama mo mismo ang tatlong kaharian. Ang tao ay naninirahan sa Kaharian ng Pagnanais, at ito ang pinakamababa sa lahat ng mga antas, na may pinakamasamang kapaligiran. Masakit at maikli ang buhay dito, ngunit ang mas kakila-kilabot pa rin ay ang katotohanan na sa mundo ng tao iilan lang sa mga bagay na inaakala ng mga tao na totoo ay talagang tama. Ang pinaniniwalaan ng mga tao na totoo ay, sa kabuuan, itinuturing na kabaligtaran sa mas malaking uniberso (ngunit ang isang eksepsiyon ay ang mga mas matataas na katotohanan na itinuturo ng mga banal na nilalang sa tao). Halimbawa, hindi itinuturing ng mga diyos na tama para sa sinumang mananalo sa labanan ay na maging pinuno, para sa mga teritoryo ay na sakupin ng puwersang militar, o para sa mga makapangyarihan ay na ituring bilang mga bayani – dahil kasangkot dito ang pagpatay at ang puwersahang pagkuha mula sa iba. Hindi iyan ang paraan ng uniberso, o kung paano kumilos ang mga mas matataas na nilalang. Gayunpaman sa mundo ng tao ang mga ito ay hindi maiiwasan, at tinatanggap. Iyan ang mga paraan ng mundo ng tao, ngunit ito ay salungat sa mga paraan ng uniberso. Kaya, kung ang isang tao ay nagnanais na bumalik sa langit, dapat niyang sundin ang mga totoo at mas matataas na mga batas at linangin ang kanyang sarili. Ang ilang mga tao ay kontento kapag ang kanilang buhay ay medyo mas mahusay kaysa sa iba. Ngunit ikinukumpara lamang ng gayong mga tao ang kanilang sarili sa ibang tao sa loob ng antas ng tao, pero kung tutuusin, lahat ng tao dito ay naninirahan sa kung anong itinuturing na basurahan ng uniberso. Ang Tatlong Kaharian ay itinatag sa gilid ng kosmikong katawan, at lahat ng bagay dito ay binubuo ng mga pinakamababa, pinakamagaspang, at pinakamaruming partikulo – mga molekula, atomo, at mga katulad nito. Sa mata ng mga mas matataas na nilalang, dito itinatapon ang basura ng uniberso. Kaya itinuring nila ang antas ng molekula na ito bilang alabok o “luwad,” at itinuturing nila ito nang pinakamababa na lugar. Ito ang pinagmulan ng paniniwala ng ilang relihiyon na ang tao ay gawa ng mga diyos mula sa luwad. Ang tao ay talagang nabuo mula sa materya na nasa antas ng molekula. Noong ginawa ng mga banal na nilalang ang tao, ginawa nila ito sa utos ng Lumikha, at inutusan Niya silang bawat isa na gumawa ng tao sa kanilang sariling natatanging pagkakahawig. Dahil dito, mayroong mga Puti, Asyano, Itim, at iba pang mga lahi. Bagama't magkaiba ang kanilang panlabas na anyo, ang mga kaluluwa sa loob nila ay ibinigay ng Lumikha. At iyon ang dahilan kung bakit mayroon silang mga karaniwang halaga. Ang layunin ng Lumikha sa pag-uutos sa mga banal na nilalang na gumawa ng tao, ay para gamitin ang tao sa mga huling panahon kung kailan Niya i-aalok sa lahat ng buhay sa mas malawak na uniberso – kabilang ang mga banal na nilalang – ng kaligtasan. Ngunit bakit uutusan ng Lumikha ang mga banal na nilalang na lumikha ng mga tao sa isang mababa at bulgar na lugar? Ito ay dahil, ang antas na ito ay ang pinakamababa sa uniberso at samakatuwid, ito ay ang pinaka-nakapanghihinang mga lugar, at kapag lang ang mga bagay sa buhay ay mahirap at masakit, maaaring ang isang taong itaas ang kanyang sarili sa pamamagitan ng espirituwal na pagsasanay at pawiin ang kanyang karma. Habang nagkakaroon ng masasakit na karanasan, kapag ang tao ay nagpapanatili pa rin ng mabubuting pag-iisip, may pasasalamat, at ay isang mabuting tao, pinagbubuti niya ang kanilang sarili sa pamamagitan nito. Ang kaligtasan ay isang proseso ng pag-akyat, mula sa mababa hanggang sa mataas, kaya't kailangan ng isa na magsimula mula sa ibaba. Mahirap ang buhay para sa sinumang naninirahan dito. Nariyan ang mga tensyon sa pagitan ng mga tao kapag nakikipagkumpitensya sila, nariyan ang kakila-kilabot na likas sa kapaligiran, at maraming pag-iisip at pagsisikap ang kailangan upang mabuhay, ilang mga halimbawa lang. Ang lahat ng mga pangyayaring ito ay nagbibigay sa mga tao ng pagkakataon na paunlarin ang kanilang sarili at bawasan ang kanilang karma. At ang sinumang mananatiling mabait sa gitna ng mga masasakit na sitwasyon at mga interpersonal na problema ay bubuo ng merito at birtud at, sa gayon, makakamit niya ang pagtaas ng kanyang kaluluwa. Sa pagdating ng modernong panahon, nilayon ng Lumikha na pangunahing gamitin ang katawan ng tao upang iligtas ang maraming buhay ng uniberso. At kaya ang mga orihinal na kaluluwa na nasa karamihan ng mga katawan ng tao dito ay pinalitan ng mga mas matataas na nilalang, na nagkatawang-tao sa kanila. Dahil mayroon silang katawan ng tao, kaya nilang mabawasan ang kanilang karma at mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtitiis sa kahirapan. At sa lugar na ito na walang katotohanan ay makakamit nila ang pagtataas ng kanilang mga kaluluwa sa pamamagitan ng pagkapit ng mahigpit sa mga matataas na katotohanang itinuro ng Diyos at pagtitiyaga sa kabutihan at kabaitan. Ang katapusan ng panahon ay dumating na ngayon, at bukas ang Mga Pintuan ng Langit na humahantong palabas ng Tatlong Kaharian. Pinipili ng Lumikha para sa pagpapalaya ang mga ganitong taong inilarawan ko. Ang lahat sa uniberso ay naging marumi sa panahon ng Pagkabuo, Pagkatatag, at Pagkabulok, at mas mababa kaysa noong nagsimula ang paglikha nito. At ito ang dahilan kung bakit ito ay patungo sa Pagkasira. Sa ibang salita, lahat ng bagay sa mas malawak na uniberso ay naging masama, ang mga buhay ng sangnilikha ay hindi na kasing ganda ng kung paano sila sa simula, ay hindi na dalisay, at lahat sila ay nag-ipon ng karma at mga kasalanan. At ito ang dahilan ng Pagkasira na darating. Ang ganitong uring kasalanan ay ang tinutukoy sa konteksto ng relihiyon bilang ang 'orihinal na kasalanan.' Upang ang uniberso ay maligtas, inutusan ng Lumikha ang mga maraming mas matataas na nilalang at mga banal na soberano na bumaba sa lupa at mag-anyong tao sa lugar na ito, kung saan sila ay magdurusa, pagbutihin ang kanilang mga sarili, tubusin ang kanilang mga kasalanan, at muling pagbagong bubuoin ang kanilang sarili — at bilang resulta, muling aakyat sa langit. (Muling itinatayo ng Lumikha ang uniberso kasabay sa pagliligtas ng sangkatauhan.) Ang bagong sansinukob ay ganap na dalisay at simpleng maluwalhati. Sa isang mahirap na kapaligiran tulad nito, kung ang isang tao ay maaari pa ring panatilihing malinis ang kanyang mga iniisip; kung kaya niyang magtiyaga laban sa pagsalakay ng mga modernong halaga at pananaw, at manatili sa mga tradisyonal; at kung naniniwala pa rin siya sa banal sa harap ng mga pag-atake mula sa mga kampong ateista at ebolusyonaryo, kung gayon, tutuparin ng taong iyon ang kanyang layunin: upang makamit ang kaligtasan at makabalik sa langit. Ang lahat ng kabaliwan na nangyayari ngayon sa mundo ay pinlano nang ganoon ng mga banal na nilalang para sa huling yugto. Ang kanilang layunin ay upang subukin ang mga buhay dito at makita kung sila ay karapat-dapat sa kaligtasan, at, sa proseso, bigyan sila ng pagkakataong bayaran ang kanilang mga kasalanan at karma habang dumadaan sa paghihirap. At ang lahat ng ito ay ginawa upang ang tao ay maligtas at makamit ang pagpapalaya pabalik sa langit. Ang lahat ng ito ay upang sabihin na ang layunin ng buhay ng mga tao sa mundong ito ay hindi upang magawa nang bagay sa mundo. Lahat ng matinding pagsisikap at pagtatangka na ginagawa ng mga tao sa buhay, at ang kanilang pagpupursige upang makuha ang mga gusto nila, na maaaring pa ngang kasama ang paggamit ng mga walang prinsipyong paraan, ay nagreresulta lamang sa mga taong nagiging imoral sa huli. Ang dahilan kung bakit naparito ang mga tao sa mundong ito at naging tao ay upang tubusin ang kanilang mga kasalanan at karma, at upang makabuluhang umunlad sa espirituwalidad. Ang mga tao ay dumating sa mundong ito upang matamo ang kaligtasan. Dumating at nag-anyong tao sila upang hintayin ang Lumikha at ang kanyang pagliligtas pabalik sa kanilang mga makalangit na kaharian. At habang sila ay naghihintay, bumuo sila ng merito sa kanilang mga maraming nakaraang buhay; at iyon ang layunin ng taong muling pagkakatawang-tao. Ang layunin ng gulo sa mundong ito ay para gawing dakila ang mga buhay na ito. Syempre, may ilang taong hindi pa nasisiyahan sa kinalabasan ng kanilang paghihingi ng banal na tulong sa panahon ng kagipitan, at nagsimula silang kasuklaman ang Diyos – na nagresulta na sila ay tumalikod pa sa Kanya. Ang ilan pa ay bumaling sa demonyong madilim na panig, at nakagawa ng higit pang mga kasalanan at gumawa ng higit pang karma. Ang mga taong angkop dito ay dapat lubos na maunawaan ito at humingi ng tawad sa Diyos, upang magkaroon pa rin sila ng pagkakataong maabot ang kaligtasan. Sa katotohanan, ang lahat ng bagay sa buhay, manalo ka man o matalo, ay ang kabayaran sa mga mabubuting at masasamang gawa ng nakaraang buhay, maging ito ay tila may katiyakan o hindi. Ang kalakihan ng grasya at birtud na nabuo ng isang tao sa nakaraang buhay ay tumutukoy sa kapalaran na nakalaan sa buhay na ito, o marahil sa susunod pang buhay. Kung ang isang tao ay namumuhay na isang pinagpala at may mabuting buhay ngayon, marahil ito ay may katumbas sa susunod na buhay sa isang mataas na posisyon at suweldo, o maaari itong maging iba't ibang uri ng kayamanan at kapalaran. At kasama rin dito kung ang isa ay may masayang pamilya, o kung anong kinabukasan ng kanyang mga anak, at iba pa. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit ang ilang tao ay mayaman at ang iba ay mahirap, at kung bakit ang ilan ay humahawak ng mataas na posisyon habang ang iba ay dukha at walang tirahan. Ito ay hindi katulad ng diyabolikong katarantaduhan na ibinubulalas ng makasalanang komunismo tungkol sa pagkakapantay-pantay ng mga mayaman at mahirap. Ang uniberso ay patas. Ang mga gumagawa ng mabuti ay pagpapalain, samantalang ang mga gumagawa ng masama ay magbabayad — kung hindi sa buhay na ito, sa kabilang buhay. Sapagkat ito ay isang hindi nababagong batas ng uniberso! Ang Langit, Lupa, ang Banal, at ang Lumikha ay magkaparehong mahabagin sa lahat ng buhay. Ang Langit at Lupa, at gayundin ang tao, ay ginawa ng Lumikha, at hindi Niya pinapaboran ang isang buhay kaysa sa iba. Ang dahilan kung bakit ang ilang mga tao ay namumuhay ng maligaya at ang iba hindi ay nagmumula sa mga gantimpala at kabayaran sa mga nakaraang gawa. Kapag nakikita mong mga tao na nananalo o natatalo sa buhay, ito ay tila nangyayari sa isang karaniwang paraan, ngunit sa huli, ito ay ang kahihinatnan ng karma ng mga nakaraang gawain ng mga taong iyon. Kung may mga bagay man ang tao o wala, o kung nananalo o natatalo sila sa buhay, ay mangyayari sa mga paraan na naaayon sa mundong ito. Kaya't mayaman ka man o mahirap ka sa buhay, dapat tiyakin mong gumawa ng kabutihan, umiwas ng paggawa ng kasamaan, manatiling mabuti at mabait, maging espirituwal at deboto at masaya sa pagtutulong sa iba. At sa paggawa nito ay magtatatag ka ng grasya at birtud, at aanihin mo ang kanilang mga gantimpala sa kabilang buhay. Noong nakaraan, madalas pinag-uusapan ng matatandang henerasyon sa Tsina tungkol sa mga bagay, tulad ng ang hindi pagtatangis sa iyong kalagayan sa buhay kapag may kahirapan, at tungkol sa pagkakaroon ng mas magandang susunod na buhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng birtud na galing sa mabubuting gawa. At ang punto ay walang silbi ang pagdarasal sa Diyos para sa tulong kung hindi ka nakagawa ng mabubuting bagay sa iyong dating buhay at nagtamo ng mga pagpapala. Ang uniberso ay may mga batas, at kahit ang mga mas mataas na nilalang ay dapat sumunod nito. Kahit sila ay mapaparusahan kung gumawa sila ng mga bagay na hindi dapat nilang gawin. Kaya ang mga bagay ay hindi kasing simple na iniisip ng mga tao. Dapat bang ibigay ng mga mas matataas na nilalang ang anumang ipinagdarasal ng tao? Ang paunang kinakailangan ay dapat nagkaroon ang tao ng grasya at birtud na binuo sa mga nakalipas na buhay. At kaya ang mga bagay na dumarating sa iyo ay dahil sa mga grasya at birtud na taglay mo! Ito ang idinidikta ng mga batas ng uniberso. Ngunit sa panimula, ang pagtupad sa iyong mga hangarin ay hindi ang pangwakas na layunin ng pag-iipon ng mga grasya at birtud. Ang tunay na layunin ng pagbuo ng mga iyon ay upang bigyan ka ng daan pabalik sa langit. At iyon ang pinakamahalaga, hindi ang maikling yugto ng kaligayahan na maibibigay nila sa iyo sa buhay na ito! Guro Li Hongzhi Enero 20, 2023 |